Tagalog - Client Notice of Sept. Changes
Mahal na Kliyente,
Simula sa Setyembre, tatapusin ng Nourishing Bethesda ang mga pickup ng pagkain sa labas at lilipat sa isang bagong systema na appointment-basis. Simula ng Setyembre 1, magkakaroon ng ilang pagbabago sa aming systema:
• Ang pick up ng pagkain ay sa pamamagitan ng appointment lamang, at maaari lamang kumuha ng pagkain tuwing ibang linggo.
• Papasok ka sa lobby upang kunin ang iyong pagkain.
• Hihilingin sa iyo na magbigay ng higit pang impormasyon kaysa dati. Kakailanganin mong ibahagi ang iyong pangalan, apelyido at tirahan, pati na rin ang numero ng telepono at impormasyon ng sambahayan tulad ng ilang tao at edad ng sambahayan. Ang iyong numero ng telepono, apelyido, at address ay pananatiling KUMPIDENSYAL at HINDI ibabahagi sa kung kanino.
• Kakailanganin mo ring magdala ng pagpatunay ng address (tulad ng utility bill) sa iyong unang appointment.
Magiging available ang mga appointment sa Huwebes ng gabi at buong araw na Biyernes. Limitado ang bilang ng mga appointment, at available sa first-come, first-served basis. Mayroong ilang mga paraan upang maiiskedyul ang iyong appointment:
• Sa pamamagitan ng pagtawag o pag-text sa 301-664-4630
• Sa pamamagitan ng pag-email sa Info@NourishingBethesda.org
Kung mayroon kang mga katanungan, mangyaring tumawag o mag-text sa numero 301-664-4630 o mag-email sa Info@NourishingBethesda.org.
Salamat!